Mr. official, tissue ang ipinanghawak sa bubuksang gripo sa lababo nang maghugas-kamay
- Pasaway Spotted
- Sep 24, 2019
- 1 min read
Ms. Dee / Pasaway Spotted
Kung ikaw ang tatanungin, sa scale na 1 hanggang 10 at 10 ang pinakamataas, gaano katindi ang level ng kaartehan mo kung meron ka man?
Well, karamihan sa mga lalaking Pinoy ay sasagot na wala silang kaartehan sa katawan. Ang karaniwan kasing temaarts ay girls at feeling girls, aminin!
Pero, nasorpresa ang ating ibon na dumapo sa palikuran ng isang tanggapan ng gobyerno nang makita ang “medyo-medyo lang” na kaartehan umano ng isang opisyal.
Ito raw kasing si “Mr. Official” ay tinawag ang isa sa kanyang mga bodyguards na nasa labas ng comfort room. Akala ni Kuyang Bodyguard ay may iuutos si Boss, pero ang hiningi lang pala ni “Mr. Official” ay tissue paper!
Kailangan umano niya ang tissue paper para gamiting panghawak sa bubuksang gripo sa lababo at siya ay maghuhugas ng mga kamay.
Wala namang masama na siguruhing walang germs ang hahawakan mo. Iba na rin ang maingat, ‘di ba? Uso pa naman ang sakit, saka baka ganu’n ang nakalakihan niya.
Pero, kung ang nakakita ng eksenang ‘yun ay ang kanyang mga pinaglilingkuran o bumoto sa kanya, ano ang aasahan nating reaksiyon? Tulad ba ‘yan ng napangiwing reaksiyon ng ating ibon? Ewww!
May isusumbong ka bang pasaway na opisyal sa gobyerno? Ibulong mo nga sa akin, mag-email sa pasawayspotted@gmail.com.





Comments