top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Yosi at pagkain ng matataba, sanhi ng pamamaga ng aorta sa tiyan na nakamamatay

Dr. Shane Ludovice, M.D.
Sep 23, 2019
1 min read

Dear Doc. Shane,

Matagal naratay sa ICU ang aking tatay bago siya binawian ng buhay. Ang sabi sa amin ay abdominal aortic aneurysm daw ang kanyang ikina­matay. Paano ba makaiiwas sa sakit na ito? — Evita

Sagot

Ang abdominal aortic aneurysm ay abnormal na pama­maga sa aorta at ito ay nakamamatay. Ang aorta ay ang pina­kamalaking arterya ng katawan. Nagdadala ito ng oxygen sa dugo mula sa puso hang­gang sa mas maliit na mga arterya sa katawan.

Ang aortic aneurysm ng tiyan o abdomen ay karani­wang nagiging sanhi ng paglobo tulad ng pa­mamaga, ang pader ng aorta ay lumalabas.

Kapag nagkaka­roon ng mga sinto­mas, maaaring kasa­ma rito ang mga sumusunod:

  • Sakit ng tiyan

  • Pakiramdam ng pagkabusog kahit kaunti lang ang kinain

  • Pagduduwal at pagsusuka

Narito ang ilan sa mga dapat gawin upang maiwasan ang sakit na ito:

  • Itigil ang panini­garilyo

  • Bawasan ang pagkain ng matata­bang pagkain

  • Uminom ng ga­mot na nagpapababa ng kolesterol

Tandaan, kapag mas malaki ang aneurysm, mas malamang ang pagputok o pagkasira nito.

Ang operasyon sa pangkalahatan ay ini­rerekomenda para sa mga aneurysm na mas malaki kaysa sa 5.5 sentimetro ang lapad.

Ang pananaw para sa untreated abdominal aortic aneurysm ay depende sa laki nito. Ang mas mala­king aneurysm ay mas mata­as ang tsansa o pag­ka­kataon na mag-rupture ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page