U.S., hanggang banta lang na bobombahin ang Iran, supot naman
- BULGAR

- Sep 23, 2019
- 1 min read
Panay ang banta ng U.S. na bobombahin ang Iran, pero hindi nila magawa.
Bakit?
Mayroon kasing nuclear arsenals ang Iran!
◘◘◘
TULAD ng Iran, may nuclear weapons din ang North Korea.
Hindi rin magawang bombahin ng U.S. ang Tehran!
◘◘◘
MALINAW na ang nuclear weapons mismo ay nakatutulong sa ibang bansa para hindi bombahin o sakupin ng malalaking bansa.
Nagawang kubkubin ng U.S. ang Iraq, Afghanistan at Libya dahil walang nuclear weapons ang mga ito!
◘◘◘
ANG mahihinang bansa ay mananatiling mahina kapag nananatili silang walang nuclear weapons.
Ibig sabihin, makatutulong sa maliliit na bansa ang pagpupundar ng nuclear weapons!
◘◘◘
ANG Taiwan ay lihim na naghahanda upang magkaroon ng nuclear weapons.
Kapag nagawa ng Taipei na makapag-import ng nuclear weapons, hindi na sila puwedeng takutin ng Beijing!
◘◘◘
ANG lahat ng bansa ay dapat nakatutok sa pagpapalakas ng sandatahang lakas dahil ito lamang ang gagarantiya sa kanyang soberanya.
Ang Pilipinas ay mananatiling alipin ng U.S. at China kapag nanatiling mahina ang AFP at walang nuclear weapons!
◘◘◘
KAILANGANG maging mayamang bansa ang Pilipinas upang hindi matakot sa China.
Kung kailan ito magaganap ay isang malaking palaisipan!





Comments