top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Trike driver pinagbabaril, dedo

V. Reyes
Sep 23, 2019
1 min read

Patay makaraang pagbabarilin ang isang tricycle driver sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Erwin Villamor, 38-anyos.

Ayon sa paunang imbestigasyon, pinuntirya ang biktima habang sakay ng kanyang minamanehong traysikel. Bumangga pa ang kanyang sasakyan sa nakaparadang kotse matapos barilin.

Narinig umano ng mga residente ang dalawang putok ng baril at matapos nito ay nakita nang nakabulagta sa kalsada si Villamor.

Samantala, itinanggi naman ng kinakasama ni Villamor na may kaaway ang biktima at wala rin umano itong naikukuwentong may pagbabanta sa kanyang buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page