No choice… Albie, umaming tinakot ni Direk Joel para makipagtikiman sa kapwa lalaki


Sa thanksgiving presscon ng Kapamilya teleseryeng Los Bastardos noong Setyembre 18, sumimple ang ilang reporters kay Albie Casiño para itanong ang kontrobersiyal nitong kissing scene with new actor Migs Almendras sa isa nilang pelikula.
Tinanong si Albie kung bakit nagawa niyang makipaghalikan sa kapwa-lalaki kahit pa trabaho lang ito. Tuloy, umiral ang espekulasyong tinakot nga ba silang dalawa ni Migs ni Direk Joel Lamangan para gawin ang kissing scene?
“Ay, opo!” natawang bungad ni Albie sa “pananakot” daw sa kanila ni direk.
Kambiyo naman kaagad ng aktor, “Actually, ako naman po, hindi masyadong nakatikim kay Direk Joel. Hindi naman po ako natatakot kay Direk Joel, ‘di ba?”
Napag-alaman kasi ng Los Bastardos actor na terror director si Direk Lamangan. Naninigaw daw at nangmumura si Direk Joel ng mga artista ‘pag hindi umaasta nang tama, gaya ng pagka-late o ‘di makuha-kuha ang nais niyang tamang emosyon ng mga talents sa eksena.
“It’s my third film working with him now. Siguro, ‘yung pinakauna, takot na takot. Sa second, hindi naman takot... prepared!” biro pa ni Albie.
“And dito sa third, I know na how to work with Direk Joel, ‘di ba? So, all he wants naman is for you to be prepared, don’t be late on the set. Be prepared. Read your materials. Do your homework.”
Sa ginawa nilang kissing scene ni Migs, nakaramdam ba siya ng pagkailang since hindi girl ang kanyang kahalikan?
“Ako, hindi,” prangkang sagot ni Albie.
“Ako naman kasi, I’ve done multiple gay roles already, ‘di ba? I’ve won an award for Tanglaw with MMK, and I’ve been a transgender. So, for me, it’s really, alam mo ‘yun... ang arte, arte lang talaga.
“And of course, with Joel Lamangan, I have the best coach! With me around... on set... all the time, ‘di ba?”
Napanood din ni Albie ang halikang Jake Cuenca-Joem Bascon sa Lihis, also with Joel Lamangan, at hanga siya sa tapang ng co-actor sa Los Bastardos na si Jake na i-execute ang mala-pornong sex scenes with Joem sa nasabing indie film.
“‘Di ba? It’s true. It’s the role. It’s the character. It doesn’t mean that you’re that way,” ani Albie.
Ang seryeng Los Bastardos ay on its finale week na at matatapos sa September 27, Friday.





Comments