Kotse, sapol sa tren
- Gina Pleñago
- Sep 23, 2019
- 1 min read

Himalang hindi nasugatan ang driver nang salpukin ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang minamanehong kotse sa Makati City, kahapon ng umaga.
Bagama’t, nasira ang Toyota Vios na may plakang UVZ 769, nakaligtas ang driver na si Martino Etim Espiritu, 54, may asawa, ng Caloocan City.
Samantala ang operator ng PNR Train na may body number MSC 458 DMU ay kinilalang si Mark Jancent Dejona.
Ayon sa inisyal na ulat ng Makati City Vehicular Traffic Investigation Unit (VTIU), alas-5:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng Sen. Gil Puyat at Ayala Avenues.
Sa inisyal na imbestigasyon ni S/SG Severino Baggayan, kumakanan ang kotse sa Sen. Gil Puyat Ave. patungong Don Chino Rocess Ave. nang mabangga ng tren na bumibiyahe sa southbound direction ng riles.
Sa lakas ng bangga, nasira ang kotse habang masuwerteng nakaligtas ang driver na si Espiritu.
Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property ang operator na si Dejona sa Manati Prosecutor’s Office.





Comments