top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Didal, nabigo sa SLS world street Skateboarding, Brazil

Gerard Arce
Sep 23, 2019
2 min read

Hindi na maipagpapatuloy pa ni 2018 Asian Games gold medalist skater Margielyn Didal ang kampanya sa 2019 SLS World Street Skateboarding Championships sa Sao Paulo sa Brazil matapos mabigong makapasok sa top-8 finishers ng Super Crown Finals ng women’s skateboarding semifinal event. Lumapag lang sa pang-15th puwesto sa 23 entries ang Cebuana skateboarding sensation ng umiskor lang ito ng 10.4 sa kanyang mga tricks. Pinangunahan ito ng American skater na si Mariah Duran na may 21.2, kasunod ang World number 1 at 2 na sina Pamelo Rosa (19.0) at Rayssa Leal (18.9) ng Brazil, habang sina World number 8 at 5 na sina Yumeka Oda (18.8) at Aori Nishimura (18.5) ng Japan ay tumapos sa 4th at 5th place, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang nakapasok sa Final 8 ay sina World number 7 Candy Jacobs ng Netherlands na may 16.7 habang tabla sa iskor para sa 7th at 8th spot sina Alexis Sabone ng America at Gabriela Mazetto ng Brazil na parehong may 16.5 iskor.

Mas malaki ang tsansa na lumapag sa mas mataas na posisyon si Duran sa World ranking na kasalukuyang nasa ika-12th place kung maipagpapatuloy nito ang magandang performance sa finals, habang nanganganib namang bumaba ng bahagya ang posisyon ni Didal na nasa 13th place, dahil ang pang-15th place na si Mazetto ay pasok sa Finals. Kinakailangang mas mapataas pa ng 20-anyos na Pinay Skateboarder ang kanyang posisyon at puntos sa world ranking matapos itong bumaba mula sa ika-10th hanggang sa ika-13th place na lamang sa inilabas ng World Skate para sa Olympic World Skateboarding Ranking (OWSR) para sa street women’s division nitong Setyembre, na nanatili pang buhay ang tsansa nitong makakuha ng slot para sa 2020 Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page