35k, umaasam ng akreditasyon sa 30th Southeast Asian games


Sa kasalukuyang buwan, ibinibilang lamang sa mga atleta at mga opisyal, halos aabutin sa 11,000 aplikasyon para sa accreditation mula sa iba’t ibang sports, ang natanggap may tatlong buwan na lamang ang nalalabi bago ang pagbubukas ng seremonya ng SEAG.
Sinabi ni Alona Quintos noong Huwebes, ang director ng accreditation at uniforms, na mayroon nang 35,000 katao ang inaasahang magsisilagda sa Games para sa nalalapit na Sept. 30 accreditation deadline na itinakda ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee draws.
Ayon kay Quintos, na mayroon nang 9,552 katao ang sinaliksik habang 8,213 personnel ang nabigyan na ng basbas para sa access ng 11-nation sportsfest na gaganapin sa New Clark City sa Tarlac, Subic at Metro Manila sa Nobyemre 30- hanggang Disyembre 11.
“We are closely coordinating with the security department to ensure that everyone who gets accredited have cleared all security protocols,’’ saad ni Quintos. Ipinaliwanag nito na ang printing ng pre-valid accreditation cards (PVAC) ng 11 National Olympic Committees ay magtatapos sa buwan na ito.
Inilahad din ni Quintos na halos kabuuan ng 1,500 journalists, photo journalists, videographers at broadcast personnel ay susunod sa mga panuntunan ng pagkokober sa kabuuan ng kada dalawang taong meet.
“We have set up a specific lane for every client group such as media, athletes and officials, etc. We want to make the experience of getting an accreditation as easy and comfortable as possible,’’ giit pa ni Quintos. Ang World Trade Center sa Pasay City ang magiging Main Accreditation Center, itinakda bilang sentro na magkakaloob ng paggabay sa sports na lalaruin sa Manila at Southern Luzon habang ang ASEAN Convention Center ang magsisilbing clusters sa Clark at Subic. Magsisimula ang operasyon ng Main Accreditation Center sa Nobyembre 20. (MC)





Comments