Welder, nakuryente sa welding machine
- Pabs Hernandez III
- Sep 22, 2019
- 1 min read
La Union—Patay ang welder nang makuryente sa welding machine kamakalawa sa Bgy. Amallapay, Tubao.
Ang biktima ay kinilalang si Allan Mapalo, nakatira sa Bgy. Halog East sa nabanggit na bayan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagkamali umano si Mapalo ng pagkabit sa kawad ng kuryente sa welding machine kaya nakuryente ang biktima.
Nabatid na dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente ay halos masunog ang buong katawan ng biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Mapalo sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments