Parusa sa gagamit ng trademark na pag-aari na ng iba
- BULGAR

- Sep 22, 2019
- 2 min read
Ang nagmamay-ari ng rehistradong trademark ay may eksklusibong karapatan na pigilan ang ibang tao na gamitin ang nasabing trademark nang wala siyang pahintulot. Kapag ang paggamit ng parehong trademark na nakarehistro, maging ito man ay sa pamamagitan ng parehong lalagyan o plastic ay magdudulot ng paggaya o kalituhan sa kung sino ang may-ari ng produkto, ang may-ari ng trademark ay maaaring magsampa ng kasong sibil para sa infringement ng nasabing trademark (Section 147, Republic Act No. 8293).
Kapag ang karapatan ng may-ari ng trademark ay nanganganib na malabag dahil sa aksiyon ng ibang tao, maaari siyang lumapit sa husgado upang humingi ng aksiyon mula rito para makahingi ng danyos o ipatigil ang napipintong paglabag sa kanyang karapatan. Ito ay ayon sa mga sumusunod na probisyon:
“Section 156. Actions, and Damages and Injunction for Infringement. –
156.1. The owner of a registered mark may recover damages from any person who infringes his rights, and the measure of the damages suffered shall be either the reasonable profit which the complaining party would have made, had the defendant not infringed his rights, or the profit which the defendant actually made out of the infringement, or in the event such measure of damages cannot be readily ascertained with reasonable certainty, then the court may award as damages a reasonable percentage based upon the amount of gross sales of the defendant or the value of the services in connection with which the mark or trade name was used in the infringement of the rights of the complaining party. (Sec. 23, first par., R.A. No. 166a)
156.2. On application of the complainant, the court may impound during the pendency of the action, sales invoices and other documents evidencing sales. (n)
156.3. In cases where actual intent to mislead the public or to defraud the complainant is shown, in the discretion of the court, the damages may be doubled. (Sec. 23, first par., R.A. No. 166)
156.4. The complainant, upon proper showing, may also be granted injunction. (Sec. 23, second par., R.A. No. 166a).
Malinaw sa mga nabanggit na probisyon na ang may-ari ng trademark ay mayroong karapatang makakuha ng danyos (damages) laban sa taong lumabag sa kanyang karapatan. Ang halaga ng pinsalang (damages) natamo ay ang rasonableng tubo (profit) na kinita sana ng taong nagrereklamo kung hindi nilabag ang kanyang karapatan. Kapag ang halaga ng pinsala ay hindi matiyak, ang husgado ay maaaring magkaloob ng rasonableng porsiyento na ibabatay sa halaga ng gross sales ng taong inihabla o ang halaga ng serbisyo ng trademark na ginamit.
Habang dinidinig ng husgado ang aksiyong inihain ng may-ari ng trademark ay maaaring samsamin ng husgado ang mga resibo at iba pang mga dokumento na ebidensiya ng pagbebenta.
Kapag mapatutunayang ang taong lumabag sa karapatan ng may-ari ng trademark ay mayroong aktuwal na intensiyon na iligaw o lokohin ang publiko, sa diskresyon ng husgado ay maaaring doblehin ang halaga ng danyos.




Comments