Negosyante utas sa riding-in-tandem
- Levi Gonzales
- Sep 22, 2019
- 1 min read

Dead-on-the-spot ang isang negosyante matapos barilin ng sakay ng motorsiklo sa Sitio Central, Bgy. Bulakin, Tiaong, Quezon. Kinilala ang biktimang si Orlando Evangelista, 50, ng Bgy. San Agustin.
Pasado alas-8:00 ng gabi, sakay ng kanyang kotse ang biktima at pumarada sa lugar upang hintayin ang nagtitinda ng halamang rambutan nang biglang sumulpot ang riding-in-tandem. Agad siyang binaril nang malapitan bago nagsitakas.
Narekober sa crime scene ang limang basyo ng cal. .9mm at patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa krimen.





Comments