Mariners ni Attas , lider na, Enderun, kapatas sa NAASCU

Nakibahagi ang Philippine Merchant Marine School para sa liderato ng Grupo B sa pagpapatuloy ng 19th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) sa Philippine Christian University Gym Sabado. Pinasok ng sentrong si Wendel Attas ang isang free throw na may 5 segundo sa orasan upang siguraduhin ang panalo at umakyat sa kartadang 3-0 panalo-talo katumbas ng nagpapahingang Enderun Colleges.
Lamang ng 13 ang Mariners matapos ang tres ni Attas, 52-39 at 6:07 sa orasan subalit bumangon ang mga Stallion sa likod nina Jonas Briones, Henry Iloka at Kennete Balbuena upang lumapit ng isang puntos nalang, 58-59 matapos ang dalawang free throw ni Briones dahil sa unsportsmanlike foul ni Bryan Hilario at 17 segundo sa laro.
Nanatili ang bola sa DLSAU subalit hindi sila nakapuntos at tinapon nila ito. Pagkatapos ng PMMS timeout, binigyan ng foul ni Julius Felix Lorenzo si Attas at hindi niya pinasok ang una pero kalmadong pinasok ang pangalawa. Namuno para sa Mariners sina Hilario at Eugene Cabauatan na parehong may 14 puntos. Nag-ambag ng 11 puntos at siyam na rebound si Attas.
Sa unang laro, bumanat ang St.Francis of Assisi College sa 2nd quarter upang tuluyang iligpit ang Manuel L. Quezon University, 63-40. Pinasok ni Joseph Alexis dela Cruz ang walo sa kanyang 12 puntos sa 2nd quarter upang maging susi sa tagumpay habang nanguna para sa Doves si Avi Arellano na may 13 puntos.
Samantala, naitala ng New Era University ang unang panalo sa torneo matapos pigilin ang Holy Angel University, 72-51. Tinambakan ng Our Lady of Fatima ang Technological University of the Philippines, 63-37. Magbabalik ang aksyon sa 19th NAASCU sa Marikina Sports Center sa Lunes (Set. 23) para sa apat na laro. Tampok ang tapatan ng defending champion St. Clare College of Caloocan at City University of Pasay ng 8 a.m.





Comments