Gaco at Cawaling swak sa playoffs; SMB, nalaglag sa Super League
- Alvin Olivar
- Sep 22, 2019
- 1 min read

DINALA ni Jerwin Gaco at JR Cawaling ang Frontrow X Azi and Tet Travel and Tours sa playoffs ng 3x3 Elite League Manila 2019 makaraang ma-sweep ang pool play kahapon sa Dumlao Sports Center sa Mandaluyong City.Sa pangunguna ni Gaco at Cawaling ay tinalo nila ang Team 7, 21-9, Laguna Pistons, 12-9, at Team Energy QC, 21-19, para ma-sweep ang Pool I at maging isa sa 16 koponan na pumasok sa playoffs ng torneo na ang commissioner ay si Jerry Codiñera. Ang playoffs at championship ay gaganapin ngayong araw sa Ayala Market! Market! Mall sa Taguig City.
Dahil sa pagpasok sa playoffs ay may pag-asa si Gaco at kanyang mga kakampi na makopo ang premyong $3,000 at isang all-expense paid trip sa Beijing kung saan maglalaro ang champion team sa SINA 3x3 Elite League Manila 2019 sa China.
Samantala, hindi nakaporma ang San Miguel sa Liaoning sa iskor na 111-89 sa semifinals ng Terrific 12 East Asia Super League sa Macao, China kagabi. Samantala, inamin ni Barangay Ginebra coach Tim Cone na nasa gitna siya ng pag-uusap sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na may kinalaman sa posibleng appointment bilang head coach ng Gilas Pilipinas sa darating na 30th Southeast Asian Games. Ayon sa isang statement na ipinadala ni Cone kahapon, sinabi ng Barangay Ginebra coach na pinag-iisipan niya ang alok ng SBP na maging head coach ng national team para sa SEA Games kung saan magho-host ang bansa.





Comments