Drug den ni-raid.. Radio DJ, huli sa shabu
- V. Reyes
- Sep 22, 2019
- 1 min read

Arestado ang isang dating radio disc jockey, gayundin ang tatlong iba pa matapos salakayin ng pulisya ang hinihinalang drug den sa Quezon City, Biyernes ng gabi.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dating DJ na si Marieto Laureno alyas Papa Tolits.
Kasama ring dinampot ng mga awtoridad sina Arbie Chua, ang may-ari ng bahay na ni-raid; Louwy Manabat, umano’y drug supplier at Winnie Hunter.
Nakatakas naman ang isang Leo Degario, na isa rin umanong supplier ng ilegal na droga.
Ayon kay PDEA-National Capital Region Director Joel Plaza, inilunsad ng mga operatiba ang raid sa Bahay Toro, Project 8 ng nasabing lungsod.
Nasamsam sa lugar ang mga drug paraphernalia at 25 gramo ng pinaniniwalaang shabu na may halagang P170,000.





Comments