BuCor, palpak na sa pagpapalaya ng preso, sablay pa ulit sa pagpapasuko
- BULGAR

- Sep 22, 2019
- 2 min read
MAY TIG-P100 MILYON NANG PAM-"PROJECT” ANG BAWAT CONG., MAY HUMIHIRIT PA NG DAGDAG—Matapos ihayag ni Albay Rep. Joey Salceda na may tig-P100 milyong pam-"projects” ang bawat kongresista sa P4.1 trillion 2020 National Budget, inamin ni Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat na humihingi pa raw siya ng dagdag na P300 milyon para sa proyekto niyang farm-to-market road.
Ganyan kagarapal ang mga kongresista sa ilalim ng liderato ni Speaker Alan Peter Cayetano, may tig-P100 milyon nang pam-"projects”, humihirit pa ng dagdag, buwisit!
◘◘◘
PALUSOT NG MGA CONG., TIG-P100 MILYON NILA, HINDI RAW PORK BARREL KUNDI PAM-"PROJECT” LANG DAW—Ayon kay Rep. Cabatbat, hindi raw “pork barrel” ang tig-P100 milyon ng mga cong. mula sa 2020 National Budget kundi pang-”projects” lang daw.
Ah, ‘yan na ba ang bagong palusot sa “pork barrel,” pang-”projects” na? Pwe!
◘◘◘
SOBRA-SOBRA ANG MGA SUMUKONG PRESO, LISTAHAN NG BUCOR, PALPAK—Inihayag ng Bureau of Corrections (BuCor) na sumobra ang bilang ng mga sumukong preso na napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law dahil umabot daw sa bilang na 2,009 ang sumurender, gayung 1,914 lang ang pinasusuko ni P-Duterte.
Ano ba naman ‘yan, ang gulo naman ng kuwentada ng BuCor, buwisit!
◘◘◘
IMBES NA PAPURIHAN ANG NANGHULI SA 181 CHINESE WORKERS, SINIBAK PA—Kamakailan, pinangunahan ni Police Colonel Lito Patay, chief ng Criminal Investigation and Detection Group 7 (CIDG 7) ang pag-raid sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Lapu-Lapu City, Cebu at hinuli ang diumano’y 181 illegal Chinese workers sa bansa.
Pero, imbes na papurihan, sinibak pa sa puwesto si Col. Patay at pinalaya ng piskal ang 181 Chinese nationals.
Ganyan kalakas sa Duterte gov’t. ang mga Chinese, boom!





Comments