top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sey mo, Maxine? Kylie, mala-tuko, mahilig mandura

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 21, 2019
  • 1 min read

Sa nakaraang thanksgiving preskon ng Los Bastardos ay natanong ni Ateng Janiz Navida sina Kylie Verzosa at Maxine Medina tungkol sa naging “duraan isyu” nila na hindi naman nakalagay sa script, or in short, wala dapat gawing ganu’n sa eksena, lalo na sa part ni Kylie na nandura nga raw kay Maxine.

Nagpaliwanag naman ang dalawa, inpernes.

Pero sa isip namin, nandu’n‘yung tanong kung may lahing tuko ba itong si Kylie or ipinaglihi ba sa tuko nu’ng kasalukuyang ipinagbubuntis siya ng nanay niya?Kasi ang tuko sa pagkakaalam namin, lalo na sa mga taga promdi or from the province, ay mahilig mandura sa tao.

At kapag naduraan ka raw ng tuko, dapat ay sumigaw kaagad ng… “SUKA’T BAWANG!” and presto, malo-Los Bastardos, este malo-lost agad ang kamandag ng dura ng tuko sa tao.

Pero kung ‘yun ang ginawa ni Maxine matapos siyang duraan ni Kylie, aba, puwedeng isipin ng mga old promdis na tipong nakakita ng aswang or manananggal si Maxine kay Kylie.

Hayyzzzz, ang dura at ang tuko… bow!

Basta abangan na lang natin ang nalalapit na pagtatapos sa mundo ng telebisyon ng Los Bastardos na ang kanilang mga naging ina ay “los,” ay, “lost” pala sa nasabing thanksgiving preskon tulad nina Gloria Diaz, Isabel Rivas, Rosanna Roces at Jean Saburit, at ang present lamang ay ang nagpunla ng semilya (sabi nga ni Panyerong Ogie Diaz na nagsilbing host-moderator) na si Ronaldo Valdez.

Why kaya absent ang mga mommy dearest ng Los Bastardos boys sa thanksgiving preskon ng unit ni Direk Ruel Bayani?

Well, pakihulaan na lang po, Madam Damin, please lang, tsuk!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page