Pinoy Duno vs. Garcia, undercard sa Alvarez Kovalev sa Las Vegas
- MC / Alvin Olivar
- Sep 21, 2019
- 1 min read

Nabigyan ng pagkakataon si Pinoy boxer Romero Duno na sumabak para maging co-main event card sa salpukan nina Canelo Alvarez at Sergey Kovalev sa Nob. 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Napisil ang 23-anyos na American-based na si Romero para labanan ang undefeated fighter na si Ryan Garcia (18-0, 15 KOs) matapos na hindi natuloy ang laban nito kay Avery Sparrow noong Set. 14 dahil sa pagkaka-aresto ni Sparrow sa Amerika.
Ang pagtatapat ng dalawa ay inanunsiyo mismo ni Garcia sa kanyang Instagram account nang pumirma ito ng multi-year extension sa Golden Boy Promotions at kinumpirma mismo ng copromoter ni Duno na si Jim Claude Manangquil at Golden Boy matchmaker Robert Diaz.
Kumpiyansa si Garcia na kaya niyang tapatan si Romero (21-1,16KOs) na kamakailan lang ay tinalo si Ivan Delagado sa 8th round para panatilihin ang World Boxing Organization NABO lightweight title.





Comments