Pinoy Arm Wrestling, higit na palalakasin

May malaking pag-asa ang Pilipinas sa sport na arm wrestling.
Sa katunayan, marami ng Pilipino ang nahuhumaling sa sport bago pa man naitatag ang Philippine Arm Wrestling Federation (PAWF).
Ito ang kuwento ni PAWF president Arniel Gutierrez sa kanyang pagdalo sa 40th “Usapang Sports” Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila noong Huwebes.
“Matagal na itong sport ng arm wrestling.
Marami na ring kalalakihan ang lumalahok hindi lang sa mga kompetisyon dito kundi pati na sa ibang bansa,” salaysay ni Gutierrez sa weekly sports forum.
Batay sa mga ulat, unang sumikat ang arm wrestling dito sa bansa noong ipalabas ang pelikulang “Over theTop” na premyadong actor na si Sylvester Stallone.
Sa kasalukuyan, naghain na ng aplikasyon si Gutierrez para sa PAWF para magkaroon ng kaukulang basbas ng Philippine Olympic Committee (POC).





Comments