top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pamumuhay nang ligtas sa polio, karapatan ng bawat bata kaya ‘wag matakot magpabakuna!

  • Ryan B. Sison
  • Sep 21, 2019
  • 2 min read

Matapos ang 19 taon nang ideklarang polio-free ang Pilipinas, kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may naitalang kauna-unahang kaso ng polio sa bansa.

Ayon sa kagawaran, naitala ang unang kasong polio virus sa Lanao del Sur kung saan ang biktima ay 3-anyos.

Takot umano sa bakuna ang dahilan ng pagbabalik ng naturang sakit sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco DuqueIII, ang isyu ng Dengvaxia ang isa sa mga dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna at mga magulang na nagsasali ng kanilang anak sa immunization program ng gobyerno.

Ang mababang coverage ng bakuna ay nangangahuluganng mas mataas na transmission ng sakit tulad ng polio.

Base sa datos ng DOH, mababa sa target na95% ang nabigyan ng oral polio vaccine sa nakalipas na sampung taon.

Gayundin, dapat umanong sakop ng tatlong doses ng oral polio vaccine ang mga bata na nasa edad 1 pababa, pero nasa 66% hanggang 68% lang ang average polio vaccination noong nakaraang taon at sa unang anim na buwan ngayong taon.

At ayon sa kagawaran, hindi ito sapat.

Sa mga susunod na linggo, maglulunsad ng mass vaccination ang DOH laban sa polio at hinihikayat ang publiko na makiisa rito.

Ayon sa mga eksperto, ang polio virus ay maaari ring makuha sa maruming tubig at kapaligiran kaya panawagan sa lahat, maging malinis sa kapaligiran para hindi mabuhayang virus.

Bagama’t, hindi maaalis sa mga magulang ang matakot na ipabakuna ang kanilang mga anak matapos ang kontrobersiyal na Dengvaxia, karapatan ng mga bata na mamuhay nang malusog at ligtas sa anumang uri ng sakit.

Tandaan, ang polio ay nagdudulot ng pagkalumpo, habambuhay na pagkaparalisa at pagkamatay kaya ang paalala sa lahat, kasabay ng pagpapanatili ng malinis na kapaligiran para hindi tamaan ng sakit ay kailangan ding magpabakuna!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page