Notoryus na tulak, dedo sa buy-bust
QUEZON — Patay ang notoryus na drug pusher nang manlaban at makipag barilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Dalahican, Lucena City.
Ang suspek ay kinilalang si Arellano Ramento, nakatira sa naturang lungsod.
Batay sa imbestigasyon, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa nasabing lugar at nang mahalata ni Ramento na mga awtoridad ang kanyang ka-drug deal ay agad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga operatiba.
Dahil dito, gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng baril, apat na sachets ng shabu at mga bala sa napatay na suspek.





Comments