Guro, timbog sa shabu
ALBAY — Isang guro ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Balza, Malinao.
Nakilala ang suspek na si Ramon Cuya, residente at public school teacher sa naturang bayan.
Nabatid na ilang operatiba ang nagpanggap na bibili ng shabu kay Cuya at nang pagbentahan ay dito na dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Ayon sa ulat, dalawang sachets ng shabu at markadong pera ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ni Cuya.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments