top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Dapat gawin at iwasan ng mga diabetic na ayaw magpa-dialysis

  • Dr. Shane Ludovice, M.D.
  • Sep 21, 2019
  • 2 min read

Diabetic na ayaw magpa-dialysis - Sabi ni Doc Bulgar

Dear Doc. Shane, Parehong may diabetes ang aking mga magulang at may mga gamot silang iniinom. Ang nakababahala, halos lahat ng mga kakilala naming may ganitong sakit ay nagda - dialysis . Maiiwasan ba ang dialysis? Ayaw naming umabot sa puntong magpapa-dialysis na sila dahil natatakot kami sa posibleng mangyari. — Grace

Sagot

Ang mataas na asukal sa dugo nang dahil sa diabetes ay nagdudulot ng pinsala sa mga maliliit na ugat sa bato. Trabaho ng bato na salain ang dugo at linisin ito. Kapag napinsala ang bato ay naiipon ang mga basura sa dugo. Karamihan din sa mga may diabetes ang mayroong alta-presyon. Ang pagtaas ng blood-pressure ay nakasisira rin ng mga maliliit na ugat sa bato.

Paano maiiwasang mapinsala ang mga bato at paano pangangalagaan ang mga ito?

  • Sundin ang tamang diet, mag-ehersisyo at inumin ang mga gamot para sa diabetes.

  • Kung ang fasting blood sugar (FBS) at HbA1c ay nasa target, makabubuti ito para sa kidney.

  • Panatilihing nasa target ang blood pressure. May mga gamot sa alta-presyon na nagdudulot ng proteksiyon sa bato. Ito ang mga gamot na nagtatapos sa ‘pril’ o ‘sartan’. Halimbawa ay enalapril, captopril, lisinopril, imidapril o losartan, telmisartan, valsartan at candesartan. Ang paggamit ng mga gamot na ito ay napatunayang nagpapabagal sa pagkasira ng bato sa mga taong may altapresyon at diabetic kidney disease.

  • Huwag manigarilyo at iwasang makalanghap ng usok na mula rito.

  • Iwasan ang maaalat na pagkain.

  • Panatilihin ang tamang timbang.

  • Regular na mag follow-up sa doktor para masubaybayan ang blood pressure at asukal sa dugo.

Kapag pumapalya na ang bato ay tumataas ang creatinine sa dugo at puwedeng makaramdam ang pasyente ng pangangati ng balat, kawalan ng ganang kumain, hindi makatulog o tumataas ang presyon sa dugo.

Ang kidneys ay naglalabas ng hormone na erythropoietin na nag-uutos sa bone marrow na gumawa ng bagong dugo kaya kung sira na ang mga bato ay nagiging anemic o kulang sa pula ng dugo ang pasyente dahil hindi naglalabas ng erythropoeitin ang mga bato.

Dahil dito nagrereseta ang doktor ng erythropoietin injections para hindi maging anemic ang pasyenteng may kidney failure.

Hindi ibig sabihin na kung magda-dialysis ay mamamatay na.

Ganito ang pananaw ng mga pasyente kaya ayaw magpa-dialysis kahit iminumungkahi na ng doktor, pero huwag nang hintaying lumala ang kalagayan bago magpa-dialysis.

Tandaan, na kapag may diabetes o alta-presyon, ugaliing mag-follow-up sa doktor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page