top of page
Pokwang.jpg

3 taong termino ng mga Bgy. at SK official, kulang kaya extended

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 21, 2019
2 min read

Agarang Solusyon ni Sonny Angara

Isa sa mga pangunahing ikinagagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang hindi maawat-awat na red tape sa ilang sangay ng gobyerno.

Ito ang nagpapatagal sa proseso na sumisira sa sistema ng mga ahensiya.

Matindi ang housing backlog ngayon sa bansa.

Ang pangunahing dahilan — red tape.

Maraming pamilya ang nagdadalawang-isip na makapagpatayo ng sarili nilang bahay dahil sa kung anu-anong dokumento na hinihingi sa kanila at sa napakatagal na pagproseso ng kanilang mga papeles.

Ito ‘yung semento pa lang ang ilalagay, kailangan na agad makapagsumite ng mga dokumento.

Ang resulta, nawawalan tuloy sila ng interes dahil sa kawalan din ng kaukulang panahon na lakarin ang mga papel na kailangan.

‘Yung gustung-gusto mong magkabahay, pero kung dadaanan ng mga papel mo ang 27 offices, 78 permits, 156 na pirma, 373 dokumento na buwan-buwan pa ang itinatagal ng proseso, mas gugustuhin mo na lang sigurong magpahinga.

May solusyon sa ganyang katagal na proseso — putulin ang red tape.

Simplehan lang natin ang pagpapalabas ng clearances at permits.

Dapat, meron tayong one-stop processing centers base sa isinasaad ng RA 10884 o ang Balanced Housing Program Amendments Act.

Kung hindi ito sosolusyunan sa lalong madaling panahon, lolobo nang husto ang housing backlog at posibleng umabot sa 6.6 milyon sa 2022.

***

Sakaling aprubahan ng pangulo, posibleng wala munang halalang pam-barangay at Sangguniang Kabataan sa susunod na taon.

Inaprubahan ng tatlong komite sa Mataas na Kapulungan na kinabibilangan ng ating komite na Committee on Finance, ang Local Government Committee ni Senator Francis Tolentino at Electoral Reforms Committee ni Senator Imee Marcos ang pagpapaliban ng Barangay at SK Elections sa susunod na taon at gawin na lamang sa ikalawang Lunes ng May 2023.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1043, gaganapin ang Barangay at SK Elections, isang taon makalipas ang national at local elections.

Ibig sabihin, ang mga incumbent officer ay mananatili o nasa hold over capacity.

Liban sa layuning magkaroon ng fixed three year term ang village and youth officials, panukala rin ng batas na magkaroon sila ng sapat na panahon para maipatupad muna nila ang lahat ng kanilang programa bago lisanin ang puwesto.

***

Bilang chairman ng Committee on Finance ng Senado, tungkulin nating dinggin ang mgapanukalang-budget ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan, kaugnay sa pagdinig natin sa proposed P4.1 trillion 2020 National Budget.

Kasama sa mga ahensiyang ito ang tanggapan ng Ikalawang Pangulo ng bansa sa pangunguna ni VP Leni Robredo na humarap sa ating komite para isumite ang panukalang-budget ng kanyang tanggapan.

Kabuuang P673 milyon ang proposed budget ng Office of the Vice-President (OVP) o mas mataas lamang ng P1.47 milyon (0.22%) mula sa dating budget nitong P671.55 milyon ngayong 2019.

Sa nasabing briefing, tiniyak natin kay VP Leni na pagtutuunan ng pansin ng ating komite ang kanilang proposed budget at posibleng magkaisa ang panel na dagdagan ang ipagkakaloob na pondo sa kanilang tanggapan para naman masuportahan nang husto ang mga anti poverty program ng OVP na isa sa mga sangay ng pamahalaan na binigyan lamang ng kakarampot na budget increase.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page