20-anyos na kadete.. Patay sa hazing sa PMA
- Jeff Tumbado
- Sep 21, 2019
- 2 min read

Hazing umano ang dahilan ng pagkasawini Cadet 4th Class Darwin Dormitorio sa loob mismo ng Philippine Military Academy (PMA) noong Miyerkules, September 18, 2019.
Ang ilang kaanak ni Dormitorio ay idinaan na sa socialmedia ang hinanakit sa pagkasawi nito at humihingi ng hustisya.
Sa Facebook post ni Ruth Duplito Dioso, sinabi nito na ang kanyang pamangkin ay namatay sanhi ng pagbagsak ng kanyang internal organ partikular ang kidney at maaari rin umanong kinuryente sa bayag.
“To everyone I want to let the whole wide world that my nephew Darwin Dormitorio died tru broken internal organs especially kidney..? kinuryente sa bayag??? (autopsy result)! is this a kind of institution I am praising before? not anymore!!! mga kriminal cla! I’m calling to all parents who wish to send their kids plsss this is not PMA we are praising before… this is hazing academy to be exact! We want justice!”
Gayunman, kinumpirma ni Police Brigadier General Israel Ephraim Dickson, na batay sa pagsusuri ng medico-legal ng Baguio City Police Office, nagkaroon umano ng internal bleeding sa loob ng tiyan ng biktima dahil sa malalang bugbog sa internal organs nito.
“A cloth of inflicted blood cloth sa katawan, ang tama niya ay sa sikmura sa puson niya. Per our medico-legal, angreport ay parang walang ginamit na instrument, suspected puwedeng nasuntok o nasipa ng malakas,” pahayag ni Dickson.
Samantala, hawak na rin ng mga awtoridad ang dalawang persons of interest sa nasabing kaso na kasalukuyang isinailalim sa kustodiya ng pamunuan ng PMA at patuloy na nasa administrative evaluation at investigation.
Isa sa mga iniuugnay sa hazing ay ang 2nd year cadet habang 1st class cadet naman o nasa huling taon na nito sa PMA.
Nitong Miyerkules, nasawi si Dormitorio makaraan itong dumanas ng matinding pananakit ng tiyan at pagsusuka ilang oras ng mangyari ang hazing sa loob ng academy.
Ang 20-anyos na kadete mula sa Cagayan de Oro City at miyembro ng PMA class 2023 ay unang nadiskubreng walang malay sa loob ng isang silid ng Mayo Hall Annex at idineklarang dead-on-arrival sa PMA Station Hospital alas-4:00 ng madaling-araw ng Miyerkules.





Comments