top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 miyembro ng MILF, tiklo sa 2 boga

Pabs Hernandez III
Sep 21, 2019
1 min read

MAGUINDANAO — Dalawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng dalawang baril kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Dalumangcob, Sultan Kudarat.

Kinilala ang mga suspek na sina Ibrahim Egal at Alimama Unting at kapwa miyembro ng MILF na nakabase sa nasabing lalawigan.

Ayon sa imbestigasyon, lulan ng kotse sina Egal at Unting nang mapadaan sa police checkpoint at nang siyasatin ng mga awtoridad ang loob ng sasakyan ay dito nakumpiska ang armalite rifle, kalibre .45 pistola at mga bala.

Dahil dito ay agad dinakip ng mga awtoridad ang dalawang miyembro ng MILF na hindi na nagawang manlaban.

Nakapiit na sina Egal at Unting na kapwa nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page