Tambalan nagklik, sikat na... Ken, hapi sa mga naabot ni Rita

Touching ang message na ibinahagi ni Ken Chan para sa kanyang ka-love team na si Rita Daniela na nagdiwang kamakailan ng kanyang ika-24 birthday.
Ayon sa Instagram post ng Kapuso actor, masaya siya sa nangyayari sa buhay ng kanyang kapareha sa upcoming primetime series na One of the Baes.
“Nakikita ko sa mga mata mo kung gaano ka kasaya. Masaya ako para sa ‘yo kasi unti-unti mo nang naabot mga pangarap mo, Ta. Masaya rin ako kasi bahagi ka ng buhay ko. Akap! Maligayang kaarawan @missritadaniela,” ang birthday message ni Ken sa ka-love team.
Sinagot naman ni Rita ang message na ito at nagpasalamat sa presence ni Ken sa buhay niya.
“Salamat, Ken. Masaya rin ako na bahagi ka ng buhay ko. Stay the same and keep on smiling kasi that’s your gift. You share so much energy and happiness to a lot of people!” sagot ni Rita.
Maraming tao ang hindi lang kinikilig sa tambalang RitKen kundi humahanga pa sa nabuong samahan ng dalawa. Nakikita raw kasi nila na sincere sina Ken at Rita sa kung ano’ng meron sila ngayon kaya naman nakikita ito sa kanilang mga projects sa TV at radio.
Pero higit na excited siyempre ang RitKen fans dahil malapit na nilang mapanood muli ang mga idolo sa One of the Baes sa GMA Telebabad.





Comments