top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Proseso sa pag-aampon ng sariling apo para maging anak

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 20, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Kami ay sumang­guni sa Office of the Social Welfare and Development Officer (SWDO) para sa pag-ampon ng aming apo na ipinarehistro na­min bilang aming anak. Ang sinabi sa amin ay kinakaila­ngang makakuha kami ng sertipi­kasyon mula sa punong barangay kung saan kami nakatira para patunayang kami ang kasama ng bata sa loob ng tatlong taon o higit pa. Tama ba ito? — Molly

Dear Molly,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Republic Act (R.A.) No. 11222, o “Simulated Rectification Act”. Nakasaad sa Section 9, Article IV ng nasabing batas na:

“Section 9. Petition. – xxx The petition shall be supported by the following:

xxx xxx xxx

(c) Certification issued and signed by the punong barangay attesting that the petitioner or petitioners is a resident or are residents of the barangay, and that the child has been living with the petitioner or petitioners for at least three (3) years prior to the effectivity of this Act;” (Binigyang-diin)

Malinaw na nabanggit sa nasabing batas na kinakailangan ninyong magsumite ng sertipi­kasyon mula sa inyong punong-barangay na nagpapatunay na kayo ay residente kasama ang bata na inyong aampunin, sa kanyang nasasakupang bayan sa nakalipas na tatlong taon o higit pa.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page