Playoffs asam ng Stars at Warriors; Mcaloney, pinambangga ng Sharks


Hindi pinaporma ng Manila Stars at ng General Santos Warriors ang kani-kanilang mga karibal noong Miyerkules ng gabi upang mapalakas ang pag-asa nila sa playoffs sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa San Andres Sports Complex.
Pinalakas nina Chris Bitoon, Aris Dionisio at Gian Lloyd Abrigo ang Stars nang salyahin ang Navotas sa homestretch upang mamayani sa huli, 96-91 at lumapit sa standings ng San Juan Knights sa North division ng 31-team MPBL.
Ang Warriors sa kabilang banda ay pinagbidahan ni Juju Bautista at Pamboy Raymundo upang manaig sa Pasig SLR, 91-82 napigilan pa ang dalawang pagkatalo sa laro at umangat sa 11-4 panalo talo ng South division at okupahin ang 3rd spot sa likod ng Davao Occidental Tigers (12-2) at Bacoor Strikers, (12-3).
Humalili muna si Bautista sa laro ni Mikey Williams, na may 23 puntos at 5 rebounds, habang si Raymundo ay pumoste ng 14 puntos, 11 assists, dagdag ang 6 rebounds sa ilalim ni coach Rich Alvarez.
Hindi nakaalagwa ang Realtors mula sa 3-win run sa kabila ng 23 puntos, 8 rebound effort ni Jeron Teng at lagpak sa 9-4 sa likod ng 3rd ranked na Makati sa North. Ginapi ng Cebu City Sharks ang Zamboanga, 74-70 at putulin ang tatlong pagkatalo at umangat sa 5-8. Uminit sa laro ng Sharks si William McAloney na may 28 puntos at 8 rebounds. (MC)





Comments