Palaban! Derrick, game makipaglaplapan kay Super Tekla

Nitz Miralles / Bida

Naalala namin ang tanong namin kay Super Tekla kung magge-guest siya sa Wowowin ni Willie Revillame to promote his launching movie, ang Kiko En Lala, nang mapanood namin si Derrick Monasterio na nag-guest nu’ng last Tuesday episode ng game show. Sa show ni Willie nagsimula ang TV career ni Super Tekla, nawala lang siya, kaya hindi maiwasang tanungin.
Anyway, si Derrick ang leading man ni Super Tekla sa karakter nitong si Lala at sa mediacon, in-announce nitong may bed scene sila na dapat abangan ng mga tao. Wala raw siyang suot sa eksenang ‘yun, pero hindi sinabi kung ano ang ginawa nila.
Nag-enjoy si Derrick sa first comedy movie niya lalo’t komedyante ang karamihan sa mga kasama at first time rin niya to work in a movie with Direk Adolf Alix, Jr.. Masaya raw sila sa set at binigyan sila ng freedom na mag-adlib.
Professional si Derrick sa sagot na payag siya kung sakaling nagkaroon sila ng kissing scene ni Super Tekla para sa mas ikagaganda ng Kiko En Lala. Pero between Super Tekla and Kim Domingo na leading lady ng Kiko character, mas attracted siya kay Kim.
Sayang at walang nakaisip na dahil single siya at single si Kim, puwede niyang ligawan ang dalaga. Break na kasi si Derrick sa beauty queen na si Kathleen Paton after a year of relationship, pero sabi nito, may ina-eye siyang model. Ayaw lang niyang madaliin at sa career ang focus niya ngayon.
Bukod sa Kiko En Lala, may soap siyang Beautiful Justice sa GMA-7 where he plays as PDEA agent. May tinatapos pa siyang pelikula, ang GLU na baka i-submit sa 2019 MMFF.
Balik sa Kiko En Lala, malaki ang tiwala ni Derrick na susuportahan ang movie dahil magaling si Super Tekla na ang description niya ay “He’s one of the rising stars sa comedy.” Wala rin daw attitude si Super Tekla at trabaho rin ang nasa isip nito.





Comments