top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Droga, may ‘forever’ hangga‘t may mga pulis na kasabwat ng mga drug lord

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 20, 2019
  • 2 min read

Medyo tumigil ang kapuputak ng dila­wan at pulahan (komunista) laban sa extra­judicial killings daw ng pulisya laban sa mga nasa­sangkot sa droga.

Hindi na masyadong nasa pahayagan ang kanilang mga operasyon laban sa mga kri­minal na hindi tulad nang dati na kahit saang news platform tayo tumingin, palaging gani­tong balita ang nangunguna.

Bagama’t, bumaba ang bilang ng krimina­lidad, tila malayo pa tayong manalo sa “war on drugs”.

Ang dahilan ay marami pa rin ang naaadik sa droga at nagkalat pa rin ang mga sindikato dahil alam naman nating hindi talaga mada­ling buwagin ang matataas na pader na pu­muprotekta sa kanila.

Kamakailan, nabalitang ni-raid ng mga pulis ang condominium sa Pasig at nakum­piska ang 30-kilo ng shabu na nagkakahalaga umano ng P200 milyon.

Ang nakababahala, ayon sa ulat, ang cou­rier daw nito ay tauhan ng Chinese drug lord na nakakulong sa Bilibid.

Matatandaang, noong si Senadora Leila de Lima pa ang Justice secretary ng administras­yon ni ex-P-Noy, sa Bilibid daw mismo nag­papatakbo ang mga sindikato ng kanilang mga operasyon.

Kung maalala natin ang mga nangyari sa hearing ng Senado kamakailan na grabe ang korupsiyon ng mga opisyal ng Bureau of Cor­rections (BuCor), malamang, nalagyan din sila ng mga drug lord para mag-operate sa Bilibid.

Samantala, kamakailan ay may mga ba­litang umabot na raw sa P22 bilyon ang halaga ng droga (shabu) ang naimbak ng pulisya sa pagkumpiska sa kanilang mga operasyon mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa pulisya, hindi nila magawang ita­pon o sunugin ang mga ito dahil maituturing itong ebidensiya laban umano sa mga taong nadakip nila at pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na gawain.

Ang problema, napakabagal ng proseso at paglilitis ng huwes na marahil sa sobrang dami ng mga kaso na inaasikaso.

Samantala, sinabi mismo ng hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Aaron Aquino na may mga ulat na ibi­nebenta raw ulit ng ilang mga masasamang-loob na pulis sa mga sindikato ang mga droga na nakukumpiska o sa madaling salita, inire-recycle!

Ang siste, mahuhuli ang mga sangkot sa illegal na gawin, makukumpiska ang mga droga tapos ibebenta lang ulit sa mga drug lord.

Sa ganyang kabulastugan, hindi nakapag­tatakang malayo talagang manalo tayo sa “war on drugs”.

Hindi dapat pinatatagal ang ganyang ga­wain, dapat paimbestigahin na ito ni Pangulong Duterte.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page