top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Ceniza, nag-5th overall sa world weightlifting

Eddie M. Paez, Jr.
Sep 20, 2019
1 min read

Kinapos ng tatlong kilo ang bigat na nabuhat ni John Fabian Ceniza para ma­kasampa sa podium ng men’s 55-kgs. pero makiki­tang ma­ganda ang porma ng Pinoy kung pagbabasehan ang bak­bakang pang Southeast Asia dahil isang kilo lang ang angat sa kanya ng karibal mula sa Vietnam na si Tran Ang Tuan Nguyen sa ginaganap na 2019 International Weight­lif­ting Federation (IWF) World Championship na sisimulan sa Pattaya, Thai­land.

Sa total output, ang 21-anyos na Pinoy ay pumang­lima sa overall dahil sa naisu­miteng 262 kilos. Ito ay ma­baba nang bahagya sa 263 kilos ng Vietnamese na pu­mang-apat lang sa overall at hindi rin nakapodium.

Sa snatch na bahagi ng kompe­tis­yon, lamang din ng tatlong kilo si Nguyen kontra kay Ce­niza (120 vs. 117). Pero na­kabawi ang Pinoy sa “clean and jerk” dahil bu­muhat ito ng 145 kilos kum­para sa 143 kilos ng pam­bato ng 21-ta­ong-gulang din na pambato ng Vietnam.

Sa labanang 45-kilos sa kababaihan, pampito lang sa final tally si Mary Flor Diaz dahil sa naipakitang 156 kilo­grams (70kgs sa snatch at 86kgs sa clean and jerk).

Ang hindi magandang balita ay tatlong taga-South­east Asia (isang Indonesian ay dala­ang Vietnamese) ang nauna sa Pinay sa pagtatapos ng sagu­paan sa grupo nila.

Kasalukuyan pang suma­­sabak sa 67kgs si Nestor Co­lonia. Panglima siya sa snatch (125 kgs) pero unang south­east Asian entry sa bracket. Sa clean and jerk, ka­salu­ku­yan siyang nasa pangat­long baytang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page