top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Advisory: Walang Pasok

  • Bulgar Advisory
  • Sep 20, 2019
  • 1 min read

#WalangPasok September 20, 2019 - Bulgar

Walang pasok sa mga sumusunod na lugar ngayong September 20 (Biyernes) dahil sa inaasahang masamang lagay ng panahon na dala ng habagat.

LAHAT NG ANTAS

  • Batangas - Lemery - Nasugbu - Sto. Tomas - Taal - Tanauan

  • Cavite

  • Macabebe, Pampanga

  • Pangasinan - Lingayen - San Manuel - Urbiztondo

  • Rizal

PRESCHOOL HANGGANG SENIOR HIGH SCHOOL

  • Lipa, Batangas

  • Baggao, Cagayan

  • Mangatarem, Pangasinan

Patuloy namang lumalakas ang bagyong Nimfa na nananatili sa hilagang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.

Makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Cagayan mainland, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Inaasahan rin ang panaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila at Calabarzon, maging sa bahagi ng mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Camarines at Catanduanes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page