Utol binato ng remote.. Ate sinaksak ginilitan, dedo

Dead-on-arrival sa ospital ang sinasabing may problema sa pag-iisip matapos saksakin at gilitan ng kanyang nakababatang kapatid sa Bgy. Mayamot, Antipolo City, Rizal.
Pasado alas-7:00 ng gabi, nasa loob ng kanilang bahay ang biktimang si ‘Lyn’ at ang suspek na si Roberto Magas, may sapat na gulang kasama pa ang kapatid nilang babae.
Bigla umanong inihagis ng biktima ang remote control sa suspek. Nairita umano ito kaya kinaladkad sa garahe ang biktima saka sinaksak sa dibdib at ginilitan.
Dali-dali naman itong dinala sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival habang naaresto ang suspek sa follow-up operation.





Comments