top of page

Tigdas-hangin, mas madalas sa matanda kesa sa bata

  • Dr. Shane Ludovice, M.D.
  • Sep 19, 2019
  • 1 min read

Dr. Shane M. Ludovice Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane,

Maaari bang pakitalakay ninyo ang mga sintomas ng tigdas-hangin? Kapareho rin ba ito ng tinatawag na German measles? — Ron

Sagot

Ang mga sumusunod ay mga pangunahing sintomas ng tigdas-hangin o German measles.

Tandaan na bawat tao, matanda man o bata, may kani-kanyang reaksiyon ang katawan sa sakit kaya ang mga sintomas ay nakadepende rito.

Ang ‘rashes’ o pantal-pantal, ang pangu­nahing sintomas ng tigdas-hangin. Depende sa kulay ng balat, mamula-mula hanggang sa maging pink ang kulay ng rashes. Ito ay nag-uumpisa muna sa ulo (kalimitan, sa likod ng mga tainga) at kumakalat pababa, sa dibdib, tiyan, hanggang sa mga kamay at paa.

Bukod sa rashes, maaari ring magkaroon ng parang trangkaso na sintomas tulad ng lagnat, ubo at sipon. Ang mga sintomas na ito ay mas madalas mangyari sa mga nakatatanda kung ikukumpara sa mga bata. Bukod dito, ang pagkakaroon ng tumutulong sipon (runny nose) o sakit ng ulo ay maaari ring maramdaman. Panghuli, ang pagka­karoon ng mamula-mulang mga mata.

Minsan, kasabay o bago pa man magkaroon ng rashes, maaaring magkaroon ng mga kulani na namamaga (swollen lymph nodes) sa leeg.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page