top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga lumaya sa GCTA na hindi sumuko, tutugisin na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 19, 2019
  • 1 min read

Ngayong araw ang deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para sumuko ang mga presong lumaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Ang mga hindi sumuko, may P1 milyong patong sa ulo, dead or alive! Bagama’t, hindi naman tinukoy ng pangulo kung saan manggagaling ang perang pabuya.

Sa huling tala ng Bureau of Corrections (BuCor) hanggang kahapon ng umaga ay umabot na sa 964 convicts ang sumuko. Nasa 432 sa nasabing bilang ay nailipat na sa New Bilibid Prison (NBP).

Matatandaang, halos 2,000 convicts na sangkot sa heinous crimes ang maagang lumaya dahil sa nasabing batas. Gayunman, matapos mabulgar ang umano’y ‘laya for sale’, binigyan ang mga ito ng 15 days na ultimatum para sumuko kasunod ang imbestigasyon at pagbabago sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng GCTA Law kung saan wala nang karapatan ang guilty sa karumal-dumal na krimen na makinabang dito.

Samantala, kung sisimulan na ang pagtugis sa mga itinuturing nang pugante, pinamamadali naman ng pangulo ang paglaya ng mga may sakit at matandang preso.

Sila umano ‘yung mga wala nang kakayahang gumawa ng krimen kaya dapat nang palayain.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page