top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mall na nagbebenta ng mga nakaw na cellphone, ipasasara

Ryan B. Sison
Sep 19, 2019
2 min read

“I will close the entire mall kapag patuloy ninyong kinakalinga, pinapayagan ang mga second hand cellphone, vendor na bumibili ng mga nakaw.”

Ito ang babala ng lokal na pamahalaan ng Maynila matapos mabuking ang umano’y pag­bebenta ng mga nakaw na cellphone sa dala­wang kilalang mall.

Ayon sa mga awtoridad, naroon ang stalls na bumibili at nagbebenta ng mga second hand na cellphone at iba pang mga accessory na hini­hinalang galing sa nakaw.

Maituturing umano itong paglabag sa Presi­dential Decree No. 1612 o Anti-Fencing Law o batas laban sa pagbebenta ng mga nakaw na gamit.

Sa ilalim ng batas, dapat managot ang sinu­mang magbebenta, magdi-dispose o buy-and-sell at magtatago ng mga nakaw na gamit. Bago managot, nakasaad sa batas na dapat alam ng vendor na galing sa nakaw ang ibinibentang gamit.

Samantala, ipinaalala sa publiko ang ta­mang proseso ng pagbebenta ang mga second hand na gamit sa mga establisimyento o tin­dahan. Sa ilalim ng batas, kailangang magka­roon ng clearance o permit to sell ang mga ibe­bentang gamit.

Kailangan umanong siguraduhin ng lahat ng establisimyento na may clearance o permit mula sa station commander ng bayan na ki­nabibilangan ng establisimyento.

Nakasaad sa Implementing Rules and Re­gulations o IRR na dapat maideklarang second hand ang ibebentang gamit, gayundin ang ibang detalye nito at kung saan ito nanggaling.

Kung walang permit na maipakikita ang magbebenta at kung papayagan itong maibenta, maaaring managot ang vendor at pamunuan ng establisimyento.

Puwedeng ipasara ang mall o tindahan dahil maituturing silang kasabwat o nangungunsinti, lalo na kung galing sa nakaw ang ibinebenta.

Gayundin, maaaring mapan ng prision mayor o anim hanggang 12 taong pagkakaku­long ang mapatutunayang lalabag sa Anti-Fen­cing Law.

Dahil sa pagputok ng isyu hinggil sa umano’y pagbebenta ng mga nakaw na gamit sa mall, mukhang hindi ito nasusunod dahil sa kaku­langan ng kaalaman sa naturang batas. Tsk!

Para sa pamunuan ng mga mall, maging ma­panuri sa mga produktong ibinebenta, se­cond hand man ito o hindi.

At kung may ma­papansing kakaiba sa produkto, ipagbigay-alam agad ito sa mga awtoridad.

Lahat tayo ay gustong kumita, pero sana, gawin natin ito sa tamang paraan at huwag ded­mahin ang ipinatutupad na batas. At panawagan sa lahat, pagbebenta ng mga nakaw na gamit, awat na!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page