Kaya ginawa lahat kumita lang uli… Rochelle, aminadong katawan ang puhunan

Balik-ALINDOG na si Rochelle Pangilinan na isa sa cast ng The Gift.
Six months old na ang baby girl nila ni Arthur Solinap at hanggang ngayon ay nagbe-breastfeeding pa siya.
Hindi naging madali para kay Rochelle ang magpapayat matapos manganak. Four months siyang nag-gym at nag-diet upang bumalik sa dati ang porma ng kanyang katawan at ngayon na physically fit na siya, back to work na si Rochelle na may permiso naman ng kanyang mister na si Arthur.
May pagkamataray at kontrabida ang role ni Rochelle sa The Gift bilang si Francine, ang mistress ni Javier (Christian Vasquez). Keri naman ni Rochelle ang kontrabida role.





Comments