top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

DOJ sa bagong BuCor Chief: bilibid, linisin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 19, 2019
  • 2 min read

Inatasan ni DOJ Secretary Menardo Guevarra ang bagong hepe ng BuCor na si Gerald Bantag na linisin ang Bilibid.

Inuulit natin ang bilin, linisin lang, pero huwag susunugin ang mga ‘dumi at kalat’.

Entiendes?

◘◘◘

SI Bantag ay kinasuhan nang masunog ang Parañaque Jail at natusta ang ilang bilanggo.

Pwes, ‘yan ang kanyang kuwalipikasyon, ‘pag naglilinis siya — ayaw niyang may naiiwang dumi.

Inaabo niyang lahat!

◘◘◘

SA totoo lang, ipinangako ni dating PNP chief at ngayon ay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na lilipulin niya ang mga drug lords sa Bilibid.

Pero, walang naganap na sunog sa panahon ni Sen. “Bato” sa Bilibid, pwes, pinalitan siya!

◘◘◘

IMBES na malipol tulad ng drug lord-mayor na si Rolando Espinosa ang mga pusakal na drug lords, pinalaya ang mga ito sa ilalim ng GCTA Law.

‘Langhiya, ayaw nilang sundin ang bilin at solusyon ni P-Digong laban sa illegal na droga at kriminalidad.

Sundin kaya ni Bantag ang konsepto ng solusyon ni P-Digong?

◘◘◘

MAY shortage ng pork sa ilang lalawigan.

Hindi raw dapat mag-aalala sa suplay ng “pork” ang taumbayan, maraming reserba sa Kongreso!

◘◘◘

PUMAPASOK pa rin si Sen. Franklin “Frank” Drilon.

Hindi totoong nilalagnat siya!

◘◘◘

UMAABOT na ang alipato sa Malaysia, Singapore at Mindanao mula sa nasusunog na kabundukan sa Indonesia.

Ang alipato ay ang nakalutang na mumunting uling o abo na dumurumi at sumasama sa hangin!

◘◘◘

NASUNOG din ang malaking bahagi ng Amazon forest.

Ang Bilibid na lang ang hindi nasusunog!

◘◘◘

HINDI kaya ang dambuhalang apoy na ito ang ibinababala sa Apokalipsis?

Ayon sa Bibliya, tanging ang isang “anghel mula sa malayong silangan” — ang makapipigil ng ‘armageddon’!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page