top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Buwayang BGY. officials, extended ang pagiging korup

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 19, 2019
2 min read

MALING ALISAN NG ‘K’ ANG MAMA­MA­YAN NA MAKA­PAMILI NG MANU­NUNG­KU­LAN SA KANI­LANG BARANGAY —Sa ngayon ay may 11 senador na ang puma­bor na ipagpaliban ang May 2020 Barangay at SK Elections at gawin na lamang sa May 2023.

Malamang, ang mga bumoto sa mga senador na ito ay nagsisisi na kung bakit nila iniluklok sa poder ang mga senador na sila palang mag-aalis ng kanilang karapatang makapili ng mga nais nilang ma­nung­kulan sa kanilang mga barangay, boom!

◘◘◘

PATI ANG MGA ‘BUWAYANG’ BGY. OFFICIALS AY MA­KIKINABANG DIN SA POSTPONEMENT NG BGY. AT SK ELEC­TIONS — Saka­ling aprubahan ng ma­yor­yang senador at lagdaan ni P-Duterte ang postponement ng Ba­ran­gay at SK Elections, hindi lang ang mga matitinong Baran­gay at SK officials ang maki­ki­nabang dito kundi pati ang mga “buwayang” barangay officials.

Mantakin ninyo, dahil sa postponement, ang mga barangay officials na sangkot sa illegal drugs at korupsiyon na isinusuka na ng ka­nilang mga ka-barangay ay mamamayagpag pa rin sa poder hanggang 2023, susmaryosep!

◘◘◘

MATAPOS PALA­YAIN ANG MGA PRE­SONG CHINESE DRUG LORDS, SANG­KATERBANG SHA­BU ANG LUMAGA­NAP!—Sangkaterbang shabu ang nakumpiska ng tropa ni NCRPO Director Maj. Gen. Guil­ler­mo Eleazar sa Que­zon City na umabot sa halagang P27.2 milyon at sa Pasig City na P240 milyon.

Palayain ba naman ni ex-BuCor Chief Nica­nor Faeldon ang mga Chinese drug lords gamit ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law, aba, natural lalaganap ang illegal drugs sa bansa, buwisit!

◘◘◘

‘PARAS PARAK’ NA PROTEKTOR NG MGA ILEGA­LISTA SA PARAÑA­QUE, SIBAKIN!—Isang pulis na kilala sa tawag na “Parak” ang hindi naman nakades­tino sa Parañaque City Police Station, pero ang halos buong oras nito ay iginugugol sa “lungga” ng mga ilegalista sa lungsod na ito.

Ang dapat sa gani­tong uri ng pulis ay sinisibak sa serbisyo kasi imbes na gugulin ang sarili sa pagliling­kod kung saan siya nakadestino, eh, duma­rayo lang sa ibang lugar para magbigay-proteksiyon sa mga ilegalista, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page