top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Bintana ng LRT binasag ng pasahero, 2 nadale

  • Mylene Alfonso
  • Sep 19, 2019
  • 1 min read

Lumikha ng tensiyon sa loob ng isang bagon ng Light Rail Transit Line 1 kung saan dalawang pasa­hero ang nasu­gatan matapos matalsikan ng mga bu­bog nang basagin ng kapwa nila pasahero ang bintana habang nasa United Na­tions (UN) Station sa Maynila.

Ayon kay Sweeden Ra­mirez, ng LRT-1, itinurnover na nila sa Manila Police Dis­trict ang hindi pa pinanga­la­nang pasahero upang mai­sailalim sa imbestigasyon. May dalawang pasahero na nagtamo ng minor inju­ries na nalapatan agad ng lunas ng mga tauhan ng Philippine Red Cross.

Nauna rito, ala-1:50 ng hapon, nabatid na uminit umano ang bagon at nais ng pasahero na buksan ang pin­tuan ng tren habang umaan­dar ito at nang hindi nito ma­buksan ay pinag­balingan ang bintana at sapilitang bi­nuk­san na nagresulta sa pag­ka­basag at tinamaan ang da­lawang pasahero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page