Pintaserong si Djordjevic kukuning coach ng Gilas


Panahon na umanong baguhin ang estilo ng paglalaro sa PBA at gawing pang-international ang mga galaw ng players upang mas madaling makasabay sa bilis at tikas ng malalaking players ng ibang bansa tulad ng Europa.
Bukod sa unang mungkahi ni NLEX Road Warriors coach Yeng Guiao na sanayin ang mas batang players mula sa grassroots level at bigyan ng mahabang panahon na pagsasanay sa Europa para sa mga lalahukang susunod na torneo, sinabi niya na panahon na ring palitan ang ilang rules sa PBA alinsunod sa pisikalidad ng international standard.
Idinagdag niya na ilan sa mga rules ay bawal sa PBA, ngunit puwede sa mga kompetisyon sa labas ng bansa gaya ng FIBA World Cup. Kabisado na rin ng Europeans ang bentahe sa FIBA game dahil kapado na nila ang sistema, kumpara sa NBA players na sanay sa ibang patakaran. “I don’t know if PBA will be open to the FIBA way of calling fouls or no fouls. The way screens are set are a big advantage if one knows how to leverage them, and it’s a big disadvantage if we’re not used to it since we’ll have a hard time managing around the screens that our opponents set,” ani Guiao. “That might be one thing also that we can study or talk about.”
Kasunod din ng unang hakbang ay ang pagkuha ng susunod na Gilas Pilipinas men head coach. “We’ll have to do it quickly. I don’t know if there’s a timetable. We have to search for the new coach. It could be a local coach or a foreign coach,” ayon kay SBP President Al Panlilio.
Nagbiro pa siya na ang nag-resign na coach ng Serbia na si Sasha Djordjevic na unang pumuna na kulang sa kalidad ang team ng Gilas ay puwedeng kunin na coach ng PHL team.
Tinambakan ng Djordjevic’s team ang Philippines, 126-67 sa group play sa FIBA at saka niya pinintasan ang Gilas. Nakabawi ang Serbia sa quarterfinals at nalagay sa 5th place, makaraan ay nag-resign si Djordjevic dahil sa dismayado rin sa kanyang team. “Pwede rin,” saad ni Panlilio nang mabanggit ang pangalan ni Djordjevic bilang kukuning coach ng Gilas. “We have no quality daw eh, so maybe he can put some quality in our program.” (MC)





Comments