top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

P5K hanggang P15K multa at parusa sa PUV driver na walang lisensiya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 18, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta, Magandang araw! Gusto kong malaman kung ano ang kaukulang parusa kapag ang drayber ng pampublikong sasakyan ay walang dalang lisensiya sa kanyang pagmamaneho? — Joey

Dear Joey, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Part IV (8) ng Department of Transportation and Communications- Joint Administrative Order No. 2014-01 o mas kilala bilang “Revised Schedule of Fines and Penalties for Violations of Laws, Rules and Regulations Governing Land Transportation” kung saan nakasaad ang parusa sa mga drayber ng pampublikong sasakyan na walang dalang lisensiya sa kanilang pagmamaneho:

“IV. VIOLATIONS IN CONNECTION WITH FRANCHISE

TYPE OF VIOLATION/PENALTIES

8. Allowing an unauthorized driver to drive Public Utility Vehicle (PUV) or allowing a driver to drive PUV without bringing his/her driver’s license. • 1st Offense - fine of P5,000· • 2nd Offense - fine of P10,000 and impounding of unit for thirty (30) days · • 3rd and subsequent Offenses - fine of P15, 000 and cancellation of Certificate of Public Convenience (CPC) where the unit is authorized.”

Bukod pa rito, mayroon ding kaukulang parusa kapag hindi awtorisadong drayber ang pinagmaneho sa pampublikong sasakyan.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page