No Election ng Bgy. at SK sa 2022, insulto kay P-Digong

POSTPONEMENT NG BGY. AT SK ELECTIONS, INDIKASYON NA “NO-EL” SA 2022?—Inaprubahan na ng tatlong komite (Electoral Reform, Local Government at Finance) ng Senado ang postponement ng 2020 Barangay at SK Elections at ang napagkasunduan, ang halalan ay gaganapin sa May 2023.
Aba, teka, indikasyon pala ‘yan na “no-el” o no election sa 2022, pero baka hindi pumayag si P-Duterte kasi siya, bababa na sa puwesto sa June 30, 2022 tapos ang mga barangay at SK officials, nasa poder pa rin hanggang June 30, 2023, boom!
◘◘◘
P-DUTERTE, GALIT SA MGA KOMUNISTANG PINOY, HINDI SA MGA KOMUNISTANG INTSIK—Sukdulan ang galit ni P-Duterte sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na pinamumunuan ni Joma Sison, pero nang magtungo sa Malacañang ang mga opisyal ng Communist Party of China (CPC), sinalubong sila ng pangulo sa Palasyo.
Kung ganu’n, sa mga komunistang Pinoy lang pala galit si P-Duterte at hindi sa mga komunistang Intsik, period!
◘◘◘
SEN. DELA ROSA, “NAMUMURO” NA KAY P-DUTERTE?—Dalawang uri ng imbestigasyon ang ipinag-utos ni P-Duterte laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa — ang pagpapalaya niya sa mga kilabot na preso sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law at ang pagpapaalis sa mga tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa New Bilibid Prison (NBP) noong siya (Sen. “Bato”) pa ang director ng BuCor.
Tila namumuro na kay P-Duterte si Sen. “Bato” kaya sunud-sunod ang imbestigasyong ipinag-uutos ng pangulo laban sa kanya, boom!
◘◘◘
MGA KUBRADOR NG BOOKIES SA MAYNILA, DAPAT MANMANAN NG PDEA—Dapat manmanan ng PDEA ang galaw ng mga kubrador ng bookies na sina “Boy Abang”, “Lorna” at “Paknoy” sa Tondo, Manila.
May impormasyon kasi na hindi lang pagpapataya sa sugal na bookies ang raket ng mga ito kundi nagbebenta rin daw ng shabu, mga buwisit!





Comments