Malas sa asawa, bigyan ng second chance.. Divorce Bill, start na
- Lourdes Abenales
- Sep 18, 2019
- 1 min read

Sinimulan na ang deliberasyon ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality sa kontrobersiyal na Divorce Bill upang makuha ang pananaw ng iba’t ibang sektor na pumapabor at kumokontra sa panukala.
“Lahat tayong nandito ngayon ay mga kalahok at testigo sa paglikha ng kasaysayan. This is history in the making. We are in the process of making history by crafting a policy to make dissolution of marriage available to all Filipinos who want second chances in love, to rebuild their families and start all over again,” pahayag ni Committee Chairperson Sen. Risa Hontiveros.
Nilinaw din ng mambabatas na naniniwala at sinusuportahan niya ang “institution of marriage”.
Gayunman, naniniwala rin siya na dapat bigyan ng panibagong pahina ang mga Filipino, partikular ang kababaihan at kanilang anak, na makalaya sa pang-aabuso at loveless relationship.
“Buo ang aking simpatiya at suporta sa ating mga kababayan, lalo na napakaraming kababaihang biktima ng domestic violence at psychological abuse,” aniya.
“They, together with their children, deserve all the chances available in this world to build nurturing families and find true and meaningful relationships,” dagdag pa niya.
Aniya, ang Divorce Bill ay pro-marriage, pro-family at pro-children.





Comments