top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Guilty sa karumal-dumal na krimen, out sa GCTA Law

  • Ryan B. Sison
  • Sep 18, 2019
  • 2 min read

Matapos pumutok ang isyu sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law hinggil sa ‘laya for sale’ at paglaya ng mga inmate na sangkot sa karumal-dumal na krimen, mara­ming pamilya at inmates ang umalma dahil anila, hindi ito makatarungan.

Nakatanggap din ito ng kritisismo sa ilang mambabatas at ipinasuspinde ng Department of Justice (DOJ), gayundin sumailalim ito sa pag-aaral at ilang rebisyon.

Hindi na makakasama sa mga maaaring makalaya sa pamamagitan ng GCTA Law ang mga mahapang sangkot sa heinous crimes.

Ito ay kasunod ng paglagda nina Justice Sec. Menardo Guevarra at Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año sa bagong Implementing Rules and Regulations o IRR na nagbibigay-linaw sa kung sinu-sino ang dapat maging beneficiary ng nasabing batas.

Sa ilalim ng bagong IRR, naniniwala ang DOJ at DILG na magiging klaro sa lahat ang implementasyon ng GCTA Law.

Samantala, numero-uno sa listahan ng mga inirebisang IRR ng naturang batas ang paglili­naw kung sino ang mga preso na hindi dapat mabig­yan ng credits at allowance.

Kabilang dito ang recidivists, excapees, mga sangkot sa karumal-dumal na krimen at inmates na maituturing na habitual delinquent.

Ayon kay Sec. Guevarra, ginamit na depi­nisyon ng heinous crimes ang nasa ilalim ng Republic Act 7659 o Death Penalty Law.

Gayundin, binigyang-linaw sa bagong IRR ang mga kaso na pasok sa heinous crimes tulad ng treason, qualified piracy, qualified bribery, murder, infanticide, kidnapping, drug-related cases, robbery with violence, rape, destructive arson at parricide.

Ayon kina Sec. Guevarra at Sec. Año, mag­kakabisa ang bagong IRR sa loob ng 15 araw matapos mailabas sa mga pahayagan na may general circulation.

Tama lang na isinuspinde ang GCTA Law upang suriing mabuti, gayundin upang hindi matuloy ang paglaya ng bilanggo na napang guilty sa karumal-dumal na krimen, dahil dapat nilang pagbayaran ang kanilang kasalanan.

Tanging panawagan sa mga kinauukulan, maging masusi at mahigpit sa pagberipika ng mga presong mapapalaya!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page