Gerald Bantag, bagong hepe ng BuCor

Nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong pinuno ng Bureau of Corrections.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, itinalaga bilang bagong BuCor Director General si Gerald Bantag, base sa kanyang professional competence at honesty.
Mahigpit umanong tagubilin ng pangulo na ipatupad ang mahigpit na pagbabantay sa loob ng Bilibid.
Partikular na rito ang pagbabawal sa VIP treatment sa ilang preso.
Si Bantag ay opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology at naging warden ng Manila at Parañaque City Jail.





Comments