top of page
Pokwang.jpg

Bacoor, Bulacan at Caloocan matibay ang laro sa Lakan Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 18, 2019
1 min read

Nanaig ang lakas ng Bacoor Strikers at Bulacan Kuyas kontra sa kani-kanilang karibal habang ang Caloocan Supremos ay nana­lasa sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos.

Ginapi ng Strikers ang Quezon City Capitals, 111-79, habang namayani ang Kuyas laban sa Muntinlupa Cagers, 77-62 noong Lunes, Set. 16. Nakaligtas ang Supremos sa dulo ng pagma­malupit ng Nueva Ecija Forest Lake, 92-90 sa opener ng tripleheader games. Dikit na shooting spree ang ginawa ng Strikers upang lumamang sa halos 35 puntos hanggang tapusin sa 109-74 sa 4th quarter.

Nakagawa ng 21 pun­tos si Mark Montuano, 16 si Chris Sumalinog, tig-13 sina Gab Banal at Michael Canete, may 11 si Paolo Castro, pumalaot ang Strikers para sa ika-4 na diretsong panalo sa itinarak na 12-3 record at malagay sa 2nd spot ng South Division ng 31-team sa MPBL.

Sumadsad ang Capital sa 6-8 sa North division. Pu­mos­te ang Kuyas ng kalama­ngan na 60-37 sa rebounds, nangunguna sa unang quarter, 24-12 at hindi na lumi­ngon tungo sa ika-4 na diretsong panalo at 9th overall sa 14 na laro.

Namayani ang Victory Liner Supremos, 92-85 habang si John Carlos Esca­lambre ng Caloocan ay naka-2 free throws sa nalalabing 6 segundo para isulong sa overtime ang laro. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page