5 huli sa aktong nagdodroga

Lima ang arestado kabilang ang tatlong bebot matapos maaktuhan ng mga pulis na nagsa-shabu sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Chief P/Col. Noel Flores ang mga naaresto na sina Joshua Fontalva, 19, construction worker; Jerry Regis, 42, foreman; Michelle Camacho, 36; Maria Virginia, 31, at Daisy Escober, 34.
Ayon kay Deputy Chief for Administration PLt.Col. Ferdie del Rosario, alas-7:00 ng gabi, nagpapatrulya ang mga tauhan ng PCP-3 sa Phase 1, Bgy. 176, Bagong Silang nang isang concerned citizen ang lumapit at ipinaalam ang pot-session sa bahay ng isang Daisy.
Pinuntahan ng mga pulis ang lugar at huli sa akto ang mga suspek na nagsa-shabu.
Narekober ang dalawang sachets na may bahid ng shabu at ilang drug paraphernalias habang nakuha kay Escober ang tatlong sachets ng hinihinalang shabu.





Comments