top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

'Wag na raw magpalusot na nag-donate na lang sa Bantay Bata… Hirit ng netizen: Angel, no show sa

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 17, 2019
1 min read

Nitz Miralles / Bida

Ang daming natuwa sa picture na ipinost ni Angel Locsin kasama sina Bea Alonzo, Angelica Panga­niban at Anne Curtis sa after party ng ABS-CBN Ball. Kita sa picture na masaya ang apat, kaya ang mga bashers lang ang hindi natuwa at ginawan pa ng isyu.

Hindi dumalo si Angel sa ABS-CBN Ball at maganda ang dahilan niya na magdo-donate na lang sa Bantay Bata, pero ang iba ay hindi nagustuhan ang kanyang ginawa. Parang sinabi raw nitong mali ang pagdalo ng ibang Kapamilya talents. May nanumbat pa na dapat ay alam niyang marami ang fans na naghintay sa kanya.

May nang-body shaming pa at tinanong si Angel kung wala bang gown na nagkasaya sa kanya kaya hindi siya dumalo sa ABS-CBN Ball? Kaya nakiusap si Angel na i-unfollow na lang siya ng mga hindi siya naintindihan. Pero, sure kami na naka-follow pa rin sila kay Angel at naghahanap ng maipipintas sa aktres.

Sabi ni Angel sa mga hindi nakaintindi sa kanya, “Please do me a favor and unfollow me. If you think your vanity is more important than prioritizing those children, then hindi kita na-influence nang tama. I’m disappointed. My fans are the most selfless, caring people ever. They have genuine compassion for people.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page