top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sarili muna bago magmahal at tumulong sa iba

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Irish ng Irish_Villanon@facebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako na nasa probinsiya ako at kasama ko ang aking nanay. Tapos, may nagbigay ng apat na piling ng saging na saba.

Kinuha ko ‘yun at habang pauwi ako, may nakita akong hinog na bayabas kaso, mataas ‘yung puno kaya hinayaan ko na lang.

Tapos, nakakuha naman ako malaking pomelo at sinalat ko ang bandang ibaba para malaman kung nasa hustong gulang na ito kaso malambot pa.

Nu’ng pauwi na ako, may nadaanan akong tindahan ng damit. Pumasok ako pero, puro pambata lang ‘yung nandu’n. Nagtanong ako sa may-ari at sinabi niyang pumunta ako sa bandang unahan dahil baka naroon ang hinahanap ko. Sinunod ko siya pero, puro bag ang naka-display du’n.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Irish

Sa iyo Irish,

Dumating na ang nakatakdang araw para lumigaya ka. Kumbaga, hinog na ang panahon para unahin mo ang iyong personal na kaligayahan. Maaaring may ilang umaasa sa iyo o may tinutulungan ka na akala mo ay kailangan ng tulong. Puwede ring may iba kang plano sa iyong buhay na nasa­sakripisyo mo dahil sa pagtulong.

Dapat mong isaisip na puwede kang makatulong sa ibang panahon. Hindi porke liligaya ka na ay hindi ka na puwedeng tumulong. Mahalin mo ang kapwa mo at ito ang banal na utos na hindi nasusunod ng marami.

Pero, hindi natapos sa “ma­­halin mo ang kapwa mo” ang banal na utos dahil may karugtong ito na “tulad ng pag­mama­hal mo sa iyong sarili” na nagsasabing, unahin nating mahalin ang ating sarili para magawa natin nang maayos ang nasabing utos.

Medyo mahirap mauna­waan ang malalim na kahulu­gan ng pagtulong sa kapwa at pu­wede namang huwag mo nang pahirapan ang isip mo na ma­kuha ang natatagong kahulu­gan. Ang mahalaga ay mala­man mo na ayon sa iyong pa­naginip, dumating na ang araw para sa iyong personal na kaligayahan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page